Para aking palagay ang babalik-balikan pa din sa Pila taon-taon ay ang pailaw sa plaza, sikat din tong pasyalan tuwing magdi-disyembre at patok na patok itong puntahan ng mga tao dahil sa ganda at sa kumokutikutitak nitong ganda at hindi lang sa pailaw ang babalik balikan mo dito kundi ang mga nagsasarapan mga street foods dito. Suwak na suwak ang pag punta mo dito sa ganda at kalidad palang at pwede ka din dito mag picnic at talagang ma-eenjoy at matutuwa ka aa ganda at lalo na tuwing sasapit na ang dilim. - G. Laurence De Leon
Isa sa paborito at maipag mamalaki kong pasyalan sa Pila ay ang kanilang pailaw o ang Paskotitap sa Pila, talaga namang napaka ganda ng kanilang pailaw at dahil din sa malawak na espasyo ng kanilang lugar ay maraming mga bata man o matanda ang nag eenjoy mag lakad lakad at mag laro dito bukod don ay napaka daming nag bebenta ng street foods dito, pwedeng pwedeng kayong mag food trip ng mga kaibigan mo, natatandaan kopa noong pumunta kami dito ng mga kaibigan ko talagang halos maubos na pera namin at muntik pa kaming mawalan ng pamasahe pauwi, talagang sulit ang pag punta dito, ano pang hinihintay nyo? Punta na!! - G. Jayson Tatel


No comments:
Post a Comment