Wednesday, December 4, 2024

Ang Paglalakbay sa Pila : Bayang Pinagpala





Ang Bayan ng Pila kilala bilang "Ang Bayang Pinagpala" ay idineklara ng mga espanyol bilang "La Noble Villa de Pila" noong panahon ng kastila. Isa ito sa mga bayan na nabigyan ng titulong "Villa" dahil sa dalisay na pag - uugali at tradisyon ng mga mamamayan nito. Welcome sa Bayang Pinagpala! Haaa...ang pinakamamahal kong bayan, bayan ng Pila. Kung papipiliin ako sa dami ng lugar na uuwian, isa lang ang pipiliin ko, walang iba kundi ang Pila Laguna.  -Bb. Frich Lucky love Flores



San Antonio De Padua Shrine

 


 



 Ang simbahan na ito ay Idineklarang Catholic Bishops' Conference of the Philippines noong Abril 2019 ang simbahan ng Pila bilang Pambansang Dambana ni San Antonio de Padua.
Sa desenyo palamang ng simbahan na ito ay mapapaisip kana, anong taon nga ba ito ginawa? Ito ay itinayo noong 1580 sa panahon ng kolonisasyon ng mga espanyol sa pilipinas, kaya naman talagang napaka makasaysayan ng lugar na ito, ano na? tara na dito!! - G. John Jayson Tatel


Bayan ng Pila (Paskotitap sa Pila)

     




 Para aking palagay ang babalik-balikan pa din sa Pila taon-taon ay ang pailaw sa plaza, sikat din tong pasyalan tuwing magdi-disyembre at patok na patok itong puntahan ng mga tao dahil sa ganda at sa kumokutikutitak nitong ganda at hindi lang sa pailaw ang babalik balikan mo dito kundi ang mga nagsasarapan mga street foods dito. Suwak na suwak ang pag punta mo dito sa ganda at kalidad palang at pwede ka din dito mag picnic at talagang ma-eenjoy at matutuwa ka aa ganda at lalo na tuwing sasapit na ang dilim. - G. Laurence De Leon



 Isa sa paborito at maipag mamalaki kong pasyalan sa Pila ay ang kanilang pailaw o ang Paskotitap sa Pila, talaga namang napaka ganda ng kanilang pailaw at dahil din sa malawak na espasyo ng kanilang lugar ay maraming mga bata man o matanda ang nag eenjoy mag lakad lakad at mag laro dito bukod don ay napaka daming nag bebenta ng street foods dito, pwedeng pwedeng kayong mag food trip ng mga kaibigan mo, natatandaan kopa noong pumunta kami dito ng mga kaibigan ko talagang halos maubos na pera namin at muntik pa kaming mawalan ng pamasahe pauwi, talagang sulit ang pag punta dito, ano pang hinihintay nyo? Punta na!! - G. Jayson Tatel








Old Houses

 





 Ang mga lumang bahay sa Pila Laguna ay mga heritage house na itinayo noong unang panahon ng mga Amerikano. Idinisenyo ang mga bahay sa istilong American chalet na may pinaghalong elemento ng Spanish. Ang ilang mga bahay ay maayos pa rin, habang ang iba naman ay ginawang tindahan at coffee shop. Isa talaga sa mga maipagmamalaki ko ang lumang bahay sa bayan ng Pila. Very makaluma talaga diba! Naging filming spot din ito para sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Doctor Jose Rizal. Woooh! Hinding hindi ko talaga makakalimutan yung time nag punta kami riyan para mag film ng Noli Me Tangere noong Grade 10 kami, sobrang saya, lalo na't ako ang gumanap bilang si Maria Clara noon hahaha! Ganda lang bakit ba? - Bb. Frich Flores













Gabay sa Paglalakbay


 Ito ang mga tips para sa masaya at ligtas na paglalakbay :

  • Kung malayo ang panggagalingan at hindi pamilyar sa lugar, gumamit ng navigational app o site tulad ng Google Maps. Kung malapit at pamilyar naman sa lugar na pupuntahan isang sakay lamang sa jeep ay makakarating ka na sa bayan ng pila.
  • Maging maingat sa pag lalakbay.
  • Maging updated sa weather bago mag lakbay, i check kung magiging maganda ba ang panahon sa araw ng iyong paglalakbay para sa iyong kaligtasan.
  • Ang pinaka huli, huwag kalimutang maging masaya at i enjoy ang iyong paglalakbay.


                                                                                                                                             - Bb. Frich Lucky Love Flores

Ang Paglalakbay sa Pila : Bayang Pinagpala

Ang Bayan ng Pila kilala bilang "Ang Bayang Pinagpala" ay idineklara ng mga espanyol bilang "La Noble Villa de Pila" noo...